Add parallel Print Page Options

Lumubog po ako sa tubig at halos malunod.
    Natabunan ako ng tubig at ang ulo ko ay napuluputan ng mga halamang-dagat.
Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat,
    at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman.
    Pero kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Dios.
Nang parang mamamatay na ako,[a] tumawag ako sa inyo, Panginoon,
    at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko roon sa inyong banal na templo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:7 Nang parang mamamatay na ako: o, Noong pagod na pagod na ako; o, Noong nawalan na ako ng pag-asa.