Font Size
Josue 12:6-8
Ang Biblia, 2001
Josue 12:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Pinatay(A) sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel; at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pag-aari ng mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
Mga Haring Tinalo ni Josue
7 Ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na tinalo ni Josue at ng mga anak ni Israel sa kabila ng Jordan na dakong kanluran, mula sa Baal-gad na libis ng Lebanon hanggang sa bundok ng Halak, na paahon sa Seir (at ibinigay ni Josue na pag-aari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi;
8 sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga libis, at sa ilang, at sa Timog; ang lupain ng mga Heteo, ang Amoreo, at ang Cananeo, ang Perezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
Read full chapter