Add parallel Print Page Options

Ang Hebron ay kay Caleb.

13 At binasbasan siya ni Josue (A)at kaniyang ibinigay ang Hebron kay (B)Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya.

14 Kaya't ang (C)Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.

15 Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. (D)At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.

Read full chapter