Add parallel Print Page Options

Pero nang marinig ng mga taga-Gibeon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai, naghanap sila ng paraan para lokohin si Josue. Nagpadala sila ng mga tao kay Josue, ang mga asno nilaʼy may mga kargang lumang sako at mga sisidlang-balat ng alak na sira-sira at tagpi-tagpi. Nagsuot sila ng mga lumang damit at mga sandalyas na pudpod at tagpi-tagpi. Nagbaon sila ng matitigas at inaamag na mga tinapay.

Read full chapter