Font Size
Juan 1:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Juan 1:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.
15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ ”
16 Sa kasaganaan ng kanyang biyaya[a] ay tumanggap tayong lahat ng sunud-sunod na pagpapala.
Read full chapterFootnotes
- 1:16 biyaya: Sa ibang salin ng Biblia, kagandahang-loob.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®