Add parallel Print Page Options

15 Ang kahubaran ng iyong manugang na babae ay huwag mong ililitaw: siya'y asawa ng iyong anak; ang kahubaran niya ay huwag mong ililitaw.

16 Ang kahubaran ng asawa ng iyong kapatid na lalake ay huwag mong ililitaw: kahubaran nga ng iyong kapatid na lalake.

17 Ang kahubaran ng isang babae at ng kaniyang anak na babae ay huwag mong ililitaw; huwag mong pakikisamahan ang anak na babae ng kaniyang anak na lalake o ang anak na babae ng kaniyang anak na babae, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran; sila'y kamaganak na malapit: kasamaan nga.

Read full chapter