Add parallel Print Page Options

11 Huwag kayong mag-alay ng mga handog na may pampaalsa bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon, dahil hindi kayo dapat magsunog ng mga pampaalsa o pulot sa inyong paghahandog sa Panginoon ng handog sa pamamagitan ng apoy. 12 Maaari ninyong ihandog ang pampaalsa o pulot bilang handog mula sa una ninyong ani,[a] pero huwag ninyong susunugin sa altar. 13 Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog ng pagpaparangal, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:12 ani: o, bunga.