Add parallel Print Page Options

Ang Mabuting Samaritano

25 Lumapit kay Jesus ang isang tagapagturo ng Kautusan upang subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 26 Sumagot si Jesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” 27 Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip.[a] At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:27 Deu. 6:5.
  2. 10:27 Lev. 19:18.