Add parallel Print Page Options

14 Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong iyon na itinuring na matuwid ng Diyos at hindi ang Fariseo. Sapagka't ang bawat nagtataas ng kanyang sarili ay ibababa at ang bawat nagbababa ng sarili ay itataas.”

Binasbasan ni Jesus ang mga Bata(A)

15 Dinala ng mga tao kay Jesus maging ang mga sanggol upang sila ay kanyang basbasan; ngunit sinaway sila ng mga alagad nang makita ito. 16 Subalit pinalapit ni Jesus ang mga bata. Sinabi niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, sapagkat para sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.

Read full chapter