Add parallel Print Page Options

Ang Mayamang Lalaki(A)

18 Tinanong siya ng isang pinuno, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” 19 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti maliban sa Diyos. 20 Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang mangalunya. Huwag kang pumatay. Huwag kang magnakaw. Huwag kang magsinungaling sa iyong patotoo. Igalang mo ang iyong ama at ina.’ ”

Read full chapter