Add parallel Print Page Options

42 Sinabi niya: Kung nalalaman mo, maging ikaw, kahit man lang sa araw mong ito, ang mga bagay na para sa iyong kapayapaan. Ngunit ngayon sila ay natago sa iyong mga paningin. 43 Ito ay sapagkat darating sa iyo ang mga araw na ang mga kaaway mo ay maglalagay ng bambang sa palibot mo. Papalibutan ka nila at kukubkubin ka nila sa bawat panig. 44 Ikaw ay papataging kapantay ng lupa kasama ng iyong mga anak. Walang batong maiiwan na nakapatong sa isang bato sapagkat hindi mo binigyang pansin ang panahon ng pagdating ng Diyos sa inyo.

Read full chapter