Add parallel Print Page Options

35 Oo at paglalampasanan ng (A)isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso.

36 At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni (B)Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,

37 At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, (C)at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga (D)pagaayuno at mga pagdaing.

Read full chapter