Font Size
Lucas 20:19-21
Ang Salita ng Diyos
Lucas 20:19-21
Ang Salita ng Diyos
19 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay naghanap ng paraan upang hulihin siya sa oras ding iyon at natakot sila sa mga tao. Ito ay sapagkat alam nila na sinabi ni Jesus ang talinghagang ito laban sa kanila.
Pagbabayad ng Buwis-pandayuhan kay Cesar
20 Sa pagmamatyag nila sa kaniya, nagsugo sila ng mga tiktikna magkukunwaring matuwid upang maipahuli nila siya sa kaniyang pananalita. Nang sa gayon ay maibigay nila siya sa pamunuan at kapamahalaan ng gobernador.
21 Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, alam naming ikaw ay nagsasalita at nagtuturo ng tama. Ikaw ay hindi nagtatangi ng tao. Itinuturo mo ang daan ng Diyos na may katotohanan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Bibles International