Add parallel Print Page Options

Ang Paghahanda para sa Paskuwa(A)

Sumapit ang Araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa kung kailan kailangang magpatay ng isang kordero bilang alay para sa Paskuwa. Kaya't isinugo ni Jesus sina Pedro at Juan at pinagbilinan, “Humayo kayo at ihanda ninyo ang pagkain para sa Paskuwa upang kainin natin.” At itinanong nila sa kanya, “Saan po ninyo nais na ihanda namin ito?”

Read full chapter