Add parallel Print Page Options

43 Isang babae roon ang labindalawang taon nang dinudugo. Nagugol na niya ang lahat ng kanyang kabuhayan sa manggagamot.[a] Hindi na siya kayang pagalingin ninuman. 44 Lumapit siya sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng damit nito. Agad tumigil ang kanyang pagdurugo. 45 Sinabi ni Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umaamin ay sinabi ni Pedro, “Panginoon, sinisiksik ka ng mga tao at napapalibutan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 8:43 Nagugol na niya ang lahat ng kanyang kabuhayan sa manggagamot: Sa ibang manuskrito ay wala ang talatang ito.