Add parallel Print Page Options

15 Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon! Malapit na[a] ang paghahari ng Dios. Pagsisihan na ninyo ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Magandang Balita!”

16 Isang araw, habang naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na mangingisdang sina Simon at Andres. Naghahagis sila ng lambat. 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:15 Malapit na: o, Dumating na.
  2. 1:17 mangingisda ng mga tao: Ang ibig sabihin, tagahikayat ng mga tao na lumapit sa Dios.