Add parallel Print Page Options

70 Ngunit muling nagkaila si Pedro. Pagkaraan ng ilang sandali ay sinabi ng mga nakatayo roon kay Pedro, “Talagang isa ka sa kanila dahil ikaw ay taga-Galilea.” 71 Ngunit si Pedro'y nagsimulang magmura at sumumpa, “Hindi ko kilala ang taong sinasabi ninyo!” 72 Siya namang pagtilaok ng manok sa ikalawang pagkakataon. Naalala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Jesus, “Bago ang ikalawang pagtilaok ng tandang ay ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.” Nanlumo siya at tumangis.

Read full chapter