Add parallel Print Page Options

17 Narinig sila ni Jesus, kaya't sinabi sa kanila, “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(A)

18 Nag-aayuno noon ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo. May mga lumapit kay Jesus at nagtanong, “Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ng mga Fariseo, ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?” 19 Sumagot si Jesus, “Maaari bang mag-ayuno ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila maaaring mag-ayuno.

Read full chapter