Font Size
Marcos 3:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Marcos 3:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Jesus at si Beelzebul(A)
20 Pagtuloy ni Jesus sa isang bahay, muling nagtipon ang maraming tao kaya't hindi na nila makuhang kumain. 21 Nang mabalitaan iyon ng kanyang sambahayan, pumunta sila upang siya'y sawayin sapagkat sinasabi ng mga tao, “Nawawala na siya sa sarili.” 22 Ang (B) sabi naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasaniban siya ni Beelzebul. Nagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo.”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
By Philippine Bible Society