Add parallel Print Page Options

39 Pagpasok niya ay kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata, natutulog lang.” 40 Pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas niya ang lahat at pumasok sa silid na kinaroroonan ng bata, kasama ang ama at ina nito, pati ang mga alagad na kasama niya. 41 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Talitha cum,”[a] na ang ibig sabihin ay “Neneng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 5:41 Sa ibang manuskrito cumi.