Add parallel Print Page Options

Talaan ng Lahing Pinagmulan ni Jesu-Cristo(A)

Ito ang talaan ng lahing pinagmulan ni Jesu-Cristo, ang anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac, at si Isaac ang ama ni Jacob. Si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid nito, at si Juda ang ama nina Perez at Zera kay Tamar. Si Perez ang ama ni Hesron at si Hesron ang ama ni Aram.

Read full chapter