Add parallel Print Page Options

Kaya ipinatawag ni Herodes ang lahat ng namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan, at tinanong sila kung saan isisilang ang Cristo. Sumagot sila, “Sa Betlehem na sakop ng Juda, dahil ganito ang isinulat ng propeta:

‘Ikaw, Betlehem sa lupain ng Juda,
    hindi ka huli sa mga pangunahing bayan ng Juda;
    dahil magmumula sa iyo ang isang pinuno
    na magsisilbing pastol ng mga mamamayan kong Israelita.’ ”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:6 Micas 5:2.