Add parallel Print Page Options

At sumagot sila, “Doon po sa Bethlehem ng Judea, tulad ng isinulat ng propeta:

‘At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
    ay hindi páhuhulí sa mga pinuno ng Juda;
sapagkat manggagaling sa iyo ang isang pinuno
    na siyang magpapastol ng aking bayang Israel.’ ”

Pagkatapos ay lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at tiniyak mula sa kanila ang panahon ng paglitaw ng bituin.

Read full chapter