Add parallel Print Page Options

Nang sila ay papunta na sa kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus. Sinabi niya: Bumabati! Lumapit sila sa kaniya, hinawakan ang kaniyang paa at sinamba siya. 10 Sinabi ni Jesus sa kanila:Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea at doon ay makikita nila ako.

Ang Ulat ng mga Bantay

11 Habang sila ay papaalis, narito, ang mga bantay ay umalis papuntang lungsod. Kanilang iniulat sa mga pinunong-saserdote ang lahat ng mga nangyari.

Read full chapter