Add parallel Print Page Options

17 Mula noon, nagsimulang mangaral si Jesus. Sinabi niya: Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.

Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad

18 Habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid. Sila ay sina Simon na tinatawag na Pedro at ang nakakabata niyang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat sila ay mga mangingisda.

19 Sinabi niya sa kanila: Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.

Read full chapter