Font Size
Mga Awit 106:38-40
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 106:38-40
Magandang Balita Biblia
38 Ang(A) pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malay
para ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan,
kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.
39 Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,
sa Diyos na si Yahweh sila ay nagtaksil at pawang sumamâ.
40 Kaya(B) naman muli, si Yahweh'y nagalit sa mga hinirang,
siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society