Add parallel Print Page Options

Ngunit ang mga Hentil ay inudyukan ng mga Judiong ayaw sumampalataya, at nilason ang kanilang mga pag-iisip laban sa mga kapatid. Dahil dito'y matagal na nanatili roon sina Pablo at Bernabe at buong tapang na nangaral para sa Panginoon. Pinatunayan naman ng Panginoon ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng mga himala at mga kababalaghang kanilang ginagawa. Kaya't nagkabaha-bahagi ang mga mamamayan ng lungsod. Ang iba ay pumanig sa mga Judio, ang iba nama'y sa mga apostol.

Read full chapter