Font Size
Mga Gawa 15:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 15:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Mahigpit na nakipagtalo sina Pablo at Bernabe sa kanila tungkol dito. At dahil naging mainit ang kanilang salungatan, sina Pablo at Bernabe, kasama ang iba pa, ay inatasang pumunta sa Jerusalem upang isangguni ang suliraning ito sa mga apostol at sa matatandang tagapamahala ng iglesya. 3 Sinugo nga sila ng iglesya. Sa kanilang pagdaan sa Fenicia at Samaria, iniulat nila ang pagbabalik-loob ng mga Hentil, na nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. 4 Nang makarating sila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng buong iglesya, ng mga apostol at ng matatanda. Iniulat nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.