Add parallel Print Page Options

27 sapagkat hindi ako nag-atubiling ipahayag sa inyo ang buong layunin ng Diyos. 28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos[a] na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.[b] 29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 20:28 Diyos: Sa ibang manuskrito'y Panginoon .
  2. Mga Gawa 20:28 dugo ng kanyang Anak: o kaya'y kanyang sariling dugo .