Add parallel Print Page Options

At ngayo'y nakatayo ako rito upang litisin dahil sa aking pag-asa sa pangakong binitawan ng Diyos sa aming mga ninuno. Ito ang pangakong inaasahang matamo ng aming labindalawang lipi kaya't sila'y masigasig na naglilingkod sa Diyos gabi at araw. At dahil sa pag-asang ito, O Haring Agripa, ako'y isinasakdal ng mga Judio! Bakit hindi makapaniwala ang sinuman sa inyo na binubuhay muli ng Diyos ang mga patay?

Read full chapter