Add parallel Print Page Options

22 Sapagkat(A) sinabi ni Moises, ‘Mula sa inyo, ang Panginoon ninyong Diyos[a] ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Sundin ninyo ang lahat ng kanyang sasabihin sa inyo. 23 Ang(B) sinumang hindi sumunod sa propetang iyon ay ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’ 24 Ang lahat ng mga propeta, kasama si Samuel at ang mga kasunod niya, ay nagpahayag din tungkol sa panahong ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 3:22 ang Panginoon ninyong Diyos: Sa ibang manuskrito'y ang ating Panginoong Diyos .