Add parallel Print Page Options

25 ikaw(A) na nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod,

‘Bakit nagalit ang mga Hentil,
    at nagbabalak ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Ang mga hari sa lupa ay naghanda upang lumaban,
    at ang mga pinuno ay nagtipon,
    laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Cristo.’

27 Sapagkat(B) sa katotohanan, sa lunsod na ito, sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ng mga Hentil at ng bayan ng Israel, ay nagsama-sama laban sa iyong banal na Lingkod[a] na si Jesus, na iyong pinahiran,

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 4:27 o Anak .