Font Size
Mga Gawa 7:51-53
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 7:51-53
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
51 “Kayong (A) matitigas ang ulo at mga bingi sa katotohanan![a] Lagi kayong sumasalungat sa Banal na Espiritu. Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, gayundin ang ginagawa ninyo. 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag noong una tungkol sa pagdating ng Matuwid, na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay. 53 Tinanggap ninyo ang Kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito tinupad.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 7:51 Sa Griyego hindi tuli ang puso't mga tainga.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.