Font Size
Mga Hebreo 2:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 2:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Sapagkat iisa ang pinagmulan ng gumagawang banal at ng mga ginawang banal. Dahil dito'y hindi nahihiya si Jesus na tawagin silang mga kapatid. 12 Sinabi(A) niya,
“Ipahahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan,
aawitan kita ng mga himno sa gitna ng kapulungan.”
13 At (B) muli,
“Ilalagak ko ang aking pagtitiwala sa kanya.”
Sinabi din niya,
“Narito ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.