Add parallel Print Page Options

Sumasagisag ito sa kasalukuyang panahon, na nagpapakita na ang mga kaloob at ang mga alay na ihinahandog ay hindi makapaglilinis sa budhi ng sumasamba. 10 Ang mga ito ay tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang uri ng seremonya ng paglilinis,[a] mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay.

11 Ngunit nang dumating si Cristo bilang Kataas-taasang Pari ng mabubuting bagay na dumating na, pumasok siya sa mas dakila at mas sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi bahagi ng sangnilikhang ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 9:10 paglilinis: Sa Griyego, bautismo.