Font Size
Mga Hukom 6:27-29
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 6:27-29
Ang Biblia, 2001
27 Kaya't kumuha si Gideon ng sampung lalaki sa kanyang mga katulong at ginawa ang ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya; ngunit dahil siya'y takot na takot sa sambahayan ng kanyang ama at sa mga lalaki sa bayan, hindi niya iyon ginawa sa araw kundi sa gabi.
28 Kinaumagahan, nang maagang bumangon ang mga lalaki sa bayan, ang dambana ni Baal ay wasak na, ang sagradong poste[a] na katabi niyon ay pinutol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambanang itinayo.
29 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang gumawa ng bagay na ito?” Nang kanilang siyasatin at ipagtanong ay kanilang sinabi, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa ng bagay na ito.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 6:28 Sa Hebreo ay Ashera .