Add parallel Print Page Options

30 Nang magkagayo'y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan, Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay: sapagka't kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal, at sapagka't kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon.

31 At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana.

32 Kaya't nang araw na yaon ay (A)tinawag siyang Jerobaal, na sinasabi, Magsanggalang si Baal laban sa kaniya, sapagka't iniwasak niya ang kaniyang dambana.

Read full chapter