Font Size
Roma 1:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 1:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang hindi nakikitang kalikasan—ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos—ay maliwanag na nakikita at nauunawaan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa. Kaya't ang mga gayong tao'y wala nang maidadahilan pa. 21 Sapagkat (A) kahit na kilala nila ang Diyos, siya ay hindi nila niluwalhati o pinasalamatan man lang bilang Diyos. Sa halip, naging walang kabuluhan ang kanilang mga pag-iisip at naging madilim ang hangal nilang mga puso. 22 Sa kanilang pagmamarunong ay lumabas silang mga mangmang.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.