Add parallel Print Page Options

Pagtitiwala sa Panginoon

11 Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan.
    O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin,
    “Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon.[a]
    Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana,
    para panain nang palihim ang mga matuwid.
Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batas
    na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok.