Add parallel Print Page Options

11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

12 Sapagka't (A)kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, (B)maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay (C)pinainom sa (D)isang Espiritu.

Read full chapter