Add parallel Print Page Options

25 yamang nailantad ang mga lihim ng kanyang puso, at ang taong iyon ay yuyukod,[a] at kanyang sasambahin ang Diyos, at siya'y magpapahayag, “Tunay na kasama ninyo ang Diyos.”

Kaayusan sa Pagsamba

26 Kaya ano'ng ibig kong sabihin, mga kapatid? Sa inyong pagkakatipon, bawat isa ay may awit, may aral, may pahayag, may wika, o kaya'y may pagpapaliwanag. Dapat isagawa ang lahat ng mga bagay para sa pagpapatibay ng iglesya. 27 Kung mayroong nagsasalita ng ibang wika, dapat ay dalawa o pinakamarami na ang tatlo, at isa-isa silang magsasalita. Kailangang may magpaliwanag ng mga sinabi.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 14:25 Sa Griyego isusubsob ang mukha.