Add parallel Print Page Options

Kaayusan sa Pagsamba

26 Kaya ano'ng ibig kong sabihin, mga kapatid? Sa inyong pagkakatipon, bawat isa ay may awit, may aral, may pahayag, may wika, o kaya'y may pagpapaliwanag. Dapat isagawa ang lahat ng mga bagay para sa pagpapatibay ng iglesya. 27 Kung mayroong nagsasalita ng ibang wika, dapat ay dalawa o pinakamarami na ang tatlo, at isa-isa silang magsasalita. Kailangang may magpaliwanag ng mga sinabi. 28 Ngunit kung walang tagapagpaliwanag, tumahimik na lamang sa iglesya ang tagapagsalita at makipag-usap sa kanyang sarili, at sa Diyos.

Read full chapter