1 Corinto 7:34-36
Ang Salita ng Diyos
34 Magkaiba ang babaeng may asawa at ang babaeng walang asawa. Ang babaeng walang asawa ay nagsusumikap sa mga bagay para sa Panginoon upang siya ay maging banal, kapwa ang kaniyang katawan at ang kaniyang espiritu. Ngunit ang babaeng may asawa ay nagsusumikap sa mga bagay ng sanlibutang ito kung papaano niya mabibigyang lugod ang kaniyang asawa. 35 Sinasabi ko ito para sa inyong ikabubuti, hindi sa inuumangan ko kayo ng patibong kundi upang magawa ninyo ang nararapat. Ito rin ay upang mapaglingkuran ninyo ang Panginoon ng walang anumang nakakagambala.
36 Kung ang isang lalaki ay nag-aakalang hindi nararapat ang kaniyang asal sa babaeng kaniyang magiging asawa, o kung inaakala ng babaeng kaniyang magiging asawa na siya ay nakalagpas na sa kaniyang kabataan o kung inaakala niyang gayon ang dapat na mangyari, gawin na niya ang dapat niyang gawin. Sa bagay na ito ay hindi siya nagkakasala.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International