Font Size
1 Corinto 7:35-37
Ang Biblia, 2001
1 Corinto 7:35-37
Ang Biblia, 2001
35 Sinasabi ko ito ngayon para sa inyong ikabubuti, hindi upang lagyan ko kayo ng silo, kundi kung ano ang nararapat at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang sagabal.
36 Ngunit kung ang sinuman ay nag-iisip na hindi siya kumikilos ng nararapat sa kanyang nobya[a] na sumapit na sa kanyang hustong gulang, ay hayaang mangyari ang gusto niya, hayaan silang magpakasal—hindi ito kasalanan.
37 Subalit sinumang nananatiling matibay sa kanyang puso, na hindi naman nangangailangan kundi napipigil niya ang kanyang sariling pagnanais at ipinasiya sa kanyang puso na panatilihin siya bilang kanyang nobya,[b] ay mabuti ang kanyang ginagawa.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 7:36 Sa Griyego ay birhen .
- 1 Corinto 7:37 Sa Griyego ay birhen .