Add parallel Print Page Options

36 Kung inaakala ng isang lalaki na nagkakaroon siya ng masidhing pagnanasa sa kanyang katipan, at dahil dito'y kailangang pakasal sila, pakasal na sila. Ito ay hindi kasalanan. 37 Ngunit kung ipinasya niyang huwag pakasalan ang kanyang kasintahan at hindi naman siya napipilitan lamang at siya'y may lubusang pagpipigil sa sarili, mabuti ang ganitong kapasyahan. 38 Kaya nga, mabuti ang magpasyang pakasalan ang kanyang kasintahan, ngunit mas mabuti ang hindi mag-asawa.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 7:38 Kung inaakala...hindi mag-asawa: o kaya’y 36 Kung inaakala ng isang ama na di marapat ang pagpigil niya sa kanyang anak na dalaga, at ito’y nasa hustong gulang na para mag-asawa, at dapat na niyang ipakasal ito, payagan na niyang mag-asawa ang anak. Hindi ito kasalanan. 37 Mas mabuti pang magpigil sa sarili at magpasya na huwag pag-asawahin ng ama ang kanyang anak na dalaga. 38 Kaya nga, mabuti na ipakasal ng ama ang anak na dalaga, ngunit lalong mabuti ang ito’y hindi pag-asawahin .