Font Size
1 Corinto 8:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Corinto 8:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Subalit hindi lahat ng mga tao ay may ganitong kaalaman. At may ibang nasanay na sa mga diyus-diyosan hanggang ngayon ay kumakain na para bang totoong inialay sa diyus-diyosan ang pagkain, at dahil mahina ang kanilang budhi, inaakala nilang sila'y nadungisan. 8 Ngunit “hindi tayo napapalapit sa Diyos dahil sa pagkain.” Walang nawawala sa atin kung hindi tayo kumain, at wala rin naman tayong napapala kung tayo'y kumain. 9 Ngunit mag-ingat kayo, baka ang kalayaan ninyong ito ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
By Philippine Bible Society