Font Size
1 Cronica 10:12-14
Ang Biblia, 2001
1 Cronica 10:12-14
Ang Biblia, 2001
12 ang lahat ng matatapang na lalaki ay tumindig, at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kanyang mga anak, at dinala sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes, at nag-ayuno ng pitong araw.
13 Sa(A) gayo'y namatay si Saul dahil sa kanyang kataksilan. Naging taksil siya sa Panginoon, sapagkat hindi niya sinunod ang utos ng Panginoon. Bukod dito'y sumangguni siya sa tumatawag ng espiritu ng patay, at humihingi ng patnubay,
14 at hindi humingi ng patnubay sa Panginoon. Kaya't siya'y kanyang pinatay at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Jesse.
Read full chapter