Add parallel Print Page Options

35 Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Dios na aming Tagapagligtas;
    palayain nʼyo po kami sa mga bansa at muli kaming tipunin sa aming lupain,
    upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”[a]
36 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.

At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!

37 Ipinagkatiwala ni David kay Asaf at sa kapwa nito Levita ang palaging paglilingkod sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ayon sa kailangang gawin sa bawat araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:35 kabanalan: sa literal, banal na pangalan.