Font Size
1 Cronica 18:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 18:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Nagtayo siya ng mga himpilan ng hukbo sa Edom sapagkat ang mga Edomita ay nasakop rin ni David. Pinagtagumpay ni Yahweh si David saanman siya makarating.
14 Naghari si David sa buong Israel at ito'y pinamahalaan niya nang may katarungan at pagkakapantay-pantay. 15 Si Joab na anak ni Zeruias ang siyang pinuno ng hukbo, at si Jehoshafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala.
Read full chapter