Add parallel Print Page Options

Sinabi ni David kay Solomon, “Anak, gusto ko sanang magpatayo ng templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Dios. Pero ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. Ngunit bibigyan kita ng anak na lalaki na maghahari nang may kapayapaan dahil hindi siya gagambalain ng lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Ang magiging pangalan niya ay Solomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan ang Israel sa kanyang paghahari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 22:9 Solomon: Ang pangalang itoʼy posibleng galing sa salitang Hebreo na “shalom” na ang ibig sabihin ay “kapayapaan.”